Wednesday, April 20, 2011

Kelan pa kaya mabigyan ng special na attention ang isang taong walang kapera pera at walang ka 
"K".  Pag nalaman nilang mayaman ka, maganda, sikat... iba ang treatment sayo. Naalala ko noong mga bata pa kami, hindi kami mayaman tatay ko isang driver ng truck at ang nanay ko mananahi lang ng sako at the same time nagtitinda ng ice water at tinapay at sigarilyo dito sa may malapit na bodega ng mais. Sakto lang na makakain kami tatlong beses sa isang araw. Kahit mga laruan noon wala kami, gumagawa nalang kami ng sarili naming laruan, gaya ng lata ng gatas lalagyan namin ng gulong na gawa sa tsinelas. Pangarap ko nga noon na magkaroon ng mumurahing barbie doll bawat pasko dumadaan yun lagi inaasam ko. 

Bawat may okasyon dito sa compound ng lolo ko, kami lagi ang taga hugas ng plato taga hiwa ng mga sangkap. Kahit pupunta kami sa kaanak namin na may okasyon kami at kami pa rin ang taga hugas. Ni hindi nga kami kilala ng iba naming kamag anak. Sino ba makakakilala sa isang anak ng driver at mananahi lang ng sako na nagtitinda ng kung ano ano sa bodega. Tanong ko noon ganito ba talaga role namin? Yung kamag anak at mga pinsan naming mayaman di nila nararanasan naranasan namin.  Mayaman nga kasi.Lagi sila may special treatment, laging pinipraise. 

Doon ko naiisip na it's unfair, kahit nga din sa mga fans ng mga sikat ng artista, kung mayaman ka na fan, todo welcome sayo ng ibang fan din, pero kung ikaw ay isang ordinaryong fan lang, jan ka lang wag kang lumampas sa tinalagang line. 

Totoong gamitan lang talaga sa mundo na to, minsanan ka lang makakakilala ng mga taong walang condition kung tatatratuhin ka. What i mean yung mga totoong tao na walang tinitingnan kung anong meron at wala ka. 

Pag may K ka marami nakadikit sayo lagi ka pinupuri pero pag once na mawala ung K na un bigla din sila mawawala, at dun mo makilala kung sino mga totoong tao at plastik.