Tuesday, May 17, 2011

Bitter Ending

This is it..isa sa mga masakit na bagay ay ang pagharap sa isang totoong situation. Ang... PAGPAPAALAM sa mga kaibigan na kahit ayaw mo pero kailangan mong magpakalayo... 

Buong taon ko silang kasama virtually, nakilala ko sila sa isang site ng isang sikat na local singer at may isang tab dun na pwede ka makikipagchat. 
Isang gabi ng Febuary 2010 habang naghahanap ako ng kanta sa youtube ni idol.. sa isang video na aking  pinapanood may nakita akong website na pinaflash sa screen. Di na ako nagdalawang isip na puntahan yung site na yun. At dun napadpad ako sa chatroom..

Una ko nakilala at nakausap sina Jarmz and Feme0515 (user name nila) at sila din nagwelcome sa akin dun sa site. Di ko akalain na yun na pala magiging simula ng pagbabago ng buhay ko. 

Bumalik ako 3 weeks later  dun sa site. At isang gabi ng March 22 2010 nakilala ko si Roseann03 ang pinakabata sa aming grupo. Pinakabata pero sensitive at napakamature na magisip. Sa umpisa ilang ako makipagusap kay ann kasi iba siya sa lahat.. siya ung tipong tao na di mo pwedeng pagsisinungalingan dahil kung hindi bang! your dead! hehe. Siya din ung napakaobservant sa lahat at napakasharp ng memory..parang lahat nalang ng bagay alam.. (madiskarte lang  =)) masarap kausap walang dull moment pagsiya kasama mo dun sa site... saka lahat ng usapan niyo may sense. Kaya siya agad  naging ka close ko at nakagaanan ko ng loob. Isang estudyante na Batanguena.  Then early April 2010 din ng gabi nakilala ko si Sarsky isang OFW na taga Dubai na nagwowork as medtech. Hmmm.. ano ba naalala ko sa unang meeting ko sa kanya? haha di ko na matandaan basta bigla nalang kami nagkakilala.ng ganun nalang haha.. Actually pano nga ba..? mmm.. si Sarsky (Myla) sa aming lima siya ang pangatlo sa pinakabata. Makwento minsan tahimik pero maalalahanin sa lahat. Siya ung parang ang lahat sa kanya bago hehe.. madaling maamaze kahit sa mga simpleng bagay lang.. kaya nga tuwang tuwa kami kausap siya. Then, April din nakilala namin si Vrose08 pangalawa sa pinakabata ng grupo. Mmm eto iba ang character nito sa lahat siya ang parang mataas ang standard sa mga bagay bagay... may katarayan minsan kung mamiss interpret mo mga sinasabi niya malamang tataas kilay mo.  Mabait na makulet pareha sila ni ann pero si Ann medyo reserved si Rubie (Vrose08) ano siya parang out... pag once na nakapagdecide na itong si Rubie asahan mo na di na magbabago. Good luck sa pakiusap mo na mababago pa. Di mo lam kung seryoso siya minsan or hindi ang kalog din minsan.

Month of August... masasabi ko na nabuo talaga yung samahan naming apat sa pamamagitan ng Skype. Una ko madalas kausap sa skype ang dalawa si Ann at si Myla. Si Ann ang dahilan ng lahat bat nakapagskype kami...sa lahat ng site ang skype ang tinuturing naming private site.. ang tawag nga namin sa skype is "kagubatan".  Si Rubie kung hindi sa facebook minsan kausap ko siya sa phone, madalas kasi yun tumatawag.

One night