Nabasa ko sa billboard noon sa eskwelahan namin ang katagang "Magtanong para di maging T-A-N-G-A." Tama nga naman, kung di ka magtanong wala ka malalaman mananatili kang walang alam..pwera nalang kung ikaw mismo maghahanap ng kasagutan. Do it yourself research nalang kumbaga. pero parang mahirap naman ata yun magtatanong at magtatanong ka pa rin.
Pero subra naman kung magtanong ka sa isang bagay na obvious naman masyado ang kasagutan. Gaya nalang halimbawa.. Nakita mo na kumakain na siya tapos tatanungin mo na "Ngayon ka lang kumain?" makikita mo ba yan na kumakain kung kumain siya kanina??
Kaya naisulat ko 'tong story nato kasi kanina yung auntie ko.. nakita na nga niya kakauwi lang ng pinsan ko galing sa skul dala dala mga gamit. tapos tatanungin na "Ngayon ka lang nakauwi?" toinks! kung kanina pa yan nakauwi e di nakabihis na yan at saka di na bitbit mga gamit. Hahayy..simpleng tanong pero nakakatawa at kung minsan nakakairita din lalo pag wala ka sa mood.. lam mo na..
Sa totoo lang masarap magtanong ng tanong na may katuturan. Masarap sumagot ng tanong lalo na pag may sense ang tanong. Pero kung ikaw ay isang waley na tao hanap lang ng trip go with your non-sense question for sure you will recieve non-sense answer too haha.. ganyan lang talaga ang life.
Makakaya kaya natin na di magtanong sa isang araw? hmmmm.... magandang challenge to. Try ko kaya. Try nyo din haha wala lang.. trip lang. wala namang mawawala.