March 3 2011 Huwebes 4:35pm:
Mahangin na naman...
Sa mga oras na 'to natutuwa akong pinagmamasdan ang mga bata na naglalaro ng saranggola...
Isang saranggola na simpleng gawa lang sa ordinaryong supot at ng iilang piraso ng walis ting-ting.
May iilan na lumilipad at may iilan naman na lilipad lang kung hihilahin habang tumatakbo...
Habang tinitingnan ko sila.. naisip ko ano ba sekreto para lumipad ang saranggola? sa pag gawa ba? or sa hangin? Naalala ko nung maliit pa ako (hangganng ngayon maliit pa rin naman .. :D ) sa aming magkapatid ako lang di marunong gumawa ng saranggola.. kung makakagawa man ako di rin makalipad. Dapat mabusisi ka gumawa wag yung basta gagawa ka nalang...
Pagperfect pagkagawa mo perfect din ang paglipad nito. . Pero pagmali naman dapat perfect pagtakbo para umeffort naman lumipad kahit papano. =)
Naalala ko sabi ni Lola, pag mahilig ka raw magpalipad ng saranggola ang sabi malayo raw mararating mo. hmmm...parang may napansin lang ako sa amin magkapatid for an instance.. ung sis ko ayun nasa malayo na tapos two months after pupunta din sa malayo isang kapatid ko.
Coincidence lang ba? or nasa kapalaran na talaga?
Actually there is no such things as "coincidence" daw. Everything happens for a reason.
Di ko alam pero naniniwala naman ako dun. Nung highschool ako may isang quote na talagang paborito ko na ang sabi naman ng kuya ko.. quote daw na mga tamad na tao haha.. walang basagan ng trip.
Eto yun "Kapalaran ko man di ko hahanapin. dudulog lalapit kung talagang akin.."... di ko lam kung sino author. Kasama ng quote na ito may ginuhit ako isang lalaki nasa burol nakatingin sa may sunset.
Ako yung tipo tao na naniniwala sa kapalaran.. pero lam ko rin na tayo gumagawa ng kapalaran natin... depende sa maging desisyon mo ngayon at sa choices mo...
Masarap mabuhay ng malaya.. gaya ng saranggola.. malayang nakakalipad.. at malaya ka mangarap habang tinitingnan mo sa malayo...
No comments:
Post a Comment