Thursday, June 16, 2011

Collection of Statusessss

Never get too attached to anyone, cus attachments lead to Expectations, and Expectations lead to disappointments.

Sometimes its better not to say anything, than to say how you truly feel and make things worse.


Attitude and personality are two different things...
My personality stays within me wherever I am.
My attitude depends on the people in front of me.


Don't be too confident when someone tells you that they love you, the real question is "until when"? because just like seasons
People change and so do Feelings

I've realized something today. No matter how hard you try to plan your life, life has a plan for you all on its own.

"Don't worry about what people say behind your back, they are the people who are finding faults in your life instead of fixing the faults in their own life"!

Funny how someone can make you feel so important one minute and then make you feel like crap the next   :o(

Don't judge me until you have lived my life and have experienced all the things I have gone through. Then you can make your decision about what you think of me.


There are songs that can really make you sad and cry when you hear them.
But it's actually not the song that makes you cry, it's the people behind the memories

There are 4 things you can never recover: The stone..after the throw. The word..after it's said. The occasion..after it's missed. The time..after it's gone.

~ be yourself, don't change 4 anyone ... if they don't like you at your worst, then they don't deserve you at your best !!

"sometimes you'll never know the true value of a moment until it becomes a memory"

Sometimes I'm afraid to be happy, because every time I'm happy, something goes wrong and hurts me.

There are 4 things you can never recover: The stone..after the throw. The word..after it's said. The occasion..after it's missed. The time..after it's gone.

Wednesday, June 8, 2011

Letting Go.



So much sorrow deep in my heart
How to explain it, where do I start.
So much pain very deep within
To tired to start over, no where to begin.
Where to go, nothing left, nothing to show.
Could this be it, all there is to see.
Everything gone...nothing for me.
Where did it go? sadly I'll never know.
Many memories hidden in the mind.
Buried so deep, never will I find.
Finally realizing, letting go of the past.
The time had come, it was never meant to last...


Tuesday, June 7, 2011

Hupong

Hupong is a bisaya word na ibig sabihin sa tagalog "hubag" hmm....yung bang pamamaga. Kung sa english "swell" sa italyano "gonfiore" kung sa greek "πρήξιμο" haha awat na nga nalibang ako sa google translate..hihi adik lang.

Anyway, going back! bakit topic ko nga ba ang hupong? bakit ba? hmmm.. may idea ka? haha ewan ko sayo ming ang gulo mo! ayan tuloy nawala ako...wait nakalimutan ko mga sasabihin ko. BRB wew!.

... ......... . .... ...

Ayun! Back! haha feeling nasa site lang ah. Naalala ko na sa wakas. 

Kasi ganito yun..... ..

From out of the blue bigla ko naalala si lola ung mga pinagkukwento niya nung malapit na siya mamatay. Yun na ata ang huling kwentuhan namin dalawa, one time kasi noong dumalaw kami sa kanya, napansin ko ung sa may banda sakong niya na namamaga. Tinanong ko siya kung bakit namaga, kung masakit ba. And yun sinabi niya na yun na daw ang mga sign na malapit ka na mamatay, at pag once na ung hupong nahuyos (di ko lam sa tagalog ung huyos haha... basta ung pamamaga di na maga)  oras mo na daw. Nanghina ako ng marinig ko yun sa kanya, sino ba naman ang matutuwa, naghalo ang takot at pangamba.. Tiningnan ko mga mata ni lola sa mga oras na yun..mukhang seryoso talaga siya sa mga sinasabi niya. Simula nun lagi ko minomonitor yung hupong ni lola...hanggang sa inatake siya one night tinawagan lang kami sa bahay at dali dali kami pumunta dun sa kanila. Pagdating namin dun kala namin wala na siya,. di na nagsasalita..di na nagrereact... nasa bed lang walang malay... tiningnan ko ung sakong niya nahuyos na di na namamaga, natakot ako sa maaring mangyari sa mga oras na yun.. ang magawa ko lang is magdasal. Panay kausap namin sa kanya, baka sakali marinig niya kami at magkamalay. Mga ilang oras din nagdaan kala namin talaga wala na siya nagsi iyakan na lahat. Nang biglang nagising nalang siya at bumangon, at nagsalita bat daw kami nandun lahat. Ano ba daw meron. Syempre lahat kami nagulat, from lifeless biglang.. wow it's a miracle talaga ngyari... Kaya ayun kinabukasan pinapunta namin si father dun kay lola para makacommunion at mabendisyonan.  Di alam ni lola na pupuntahan siya ng pari, ng makita niya si father bigla daw siya nanigas at inatake ulet. Dinasalan siya ni father then nung nagsign of the cross na si father..bigla niya raw inangat kamay niya tapos ayun ..in a split seconds wala na siya.. haay kaya siguro bumalik si lola that night para sa blessing ni father.  Pero tanggap na namin lahat kung ano mangyari kay lola, complicated na kasi ung sakit niya.  

Kaya ayun, ang hupong ganun din kay uncle namaga din ung ankle niya days before siya namatay..  

Pero sabi nila pagmay malubhang sakit ka kaya nagkakahupong daw..di naman pag once na nahupong na eh yun na hehe... 

Kasi nung college ako lagi may hupong ankle ko dahil sa tapilok, napakaclumsy ko kasi na player kaya ayun.

Magreresearch nga ako sa hupong na to kung may medical explanation nga ba...  meron ba? share naman oh hehe.. 

Monday, June 6, 2011

Siya Na..

Siya na talaga! as in siya na!...  di ba siya napapagod? takbo siya kasi ng takbo sa isip ko..umaga, hapon gabi magdamag 24hours 7 days a week! Oh my life! nakakaaning na toooooh. 

Hindi ako inlove...sa katunayan inpain ako ngayon..struggle for someone that i used to... haayy nakakasad na sa ganito pa mangyayari...til now di pa  rin talaga ako nakakamove on. Akala ko lang pala... though ok na pero ewan parang may wall pa rin..invisible wall. Parang isa siyang star sa heaven na nakikita mo pero di mo naaabot kahit anong pilit mo pagreach out pero still out of reach.. tanging magagawa mo is titigan mo nalang hanggang sa maramdaman mo ang pain..maalala mo ang kahapon..tapos magsesenti ka..aasa... hahayy buhay nga naman. Sa totoo lang hindi ang pagsabi ng goodbye ang masakit, kundi ang flashback ng nakaraan..parang emotional torture pag naaalala mo.. 
Dunno hanggang kelan ko matatagalan to. Sana december na... 

Kahit feeling nawalan ako ngayon grateful pa rin ako kasi  nakakausap ko madalas mga kaibigan ko na di ko masyado or matagal na nakakausap. Ang dami nila sa totoo lang di ko lam san sila nang galing basta bigla nalang sila nagparamdam at nagsulputan. Like Janice and Andrei for ten years na di kami nagkita, last sunday ayun nakapagspendtime kami..then si Dj kelly bukas magspendtime kami after 6 years din.. tapos si denz saka si riq inaadd nila ako sa fb after 11 years?? wow tagal na talaga since last bonding. Tapos for how many many many years din nagkita kami ng pinakabestfriend ko na si Diyosa last sunday.. 

Si Diyosa kaklase ko nung highskul.. siya lang naman madalas ko kasama sa quite time..early in the morning 5am dun kami sa Lion's beach (queen tuna park na siya ngayon). Dun sabay kami kumakanta habang inaantay namin si sunrise..then sabay kami magpapray... kung hapon after ng klase dun din kami tumatambay..para tingnan si sunset.. we both love sunset and sunrise..i really missed those days... nagkahiwalay kami after ako umalis ng church..mas pinili ko kasi bf ko noon sa labas kaysa sa kanila...napakabad ko talaga. 

Ngayong June 19 we're having our reunion, so excited to meet them again.. Lahat kami may kanikaniyang buhay na... It's a blessing na din ang ngyari kasi kung hindi ako inpain ngayon di ako mageeffort na makipagspendtime sa kanila... mas ngayon ko kailangan ng kaibigan...  
..ng makakausap.. ng maglilift up...ng mageencourage.... 

3:43am

It's 3:43am nagising sa dami na pasaway na lamok.. 

Naalala ko bigla ang message last sunday dun sa service..

Bakit ba ako nagccrave sa love and attention ng tao na gusto ko? Na halos araw araw nalang ako umaasa na sana ganito sana ganyan..

Bakit pagdating kay God hindi naging ganun yung heart ko..

Sa buhay, walang kasing saya na mahalin ka ng tao na mahal mo rin.. masakit pag ang love na yun biglang maglaho. Masasaktan ka. Malulungkot. At yun ang reality.. 

Tanong ko ngayon, "Bat ba ako nabubuhay? Ano ba talaga purpose ko sa Earth na to? 
To love? to hurt? to leave someone? to help? 

Minsan naisip ko ng sumuko dahil di ko naintindihan purpose ko. 

Last sunday di ko iniexpect na ganun yung message sa mass.. Ang love ng tao nagbabago, pero ang love ni God hindi. Bakit ba ako masyado nagiistruggle sa love ng iba, na andyan naman ang love ni God? Unconditional love... 

My Cebu Xp.

Cebu!  Bigla ko namiss ang lugar na to... My one and true love... ^_^. Unang salta ko sa lugar na to.. nafall inlove na kaagad ako. Hindi dahil sa mas ano siya sa GenSan, kundi dahil sa kakaibang ugali ng  mga tao at tradition. Speaking of tradition, nakakaamazed lang yung faith ng mga tao dun, mapahirap mapayaman, matanda, bata...all walks of life. One time una ko paglaboy sa Gaisano Mall isa sa sikat na mall dun sa Cebu.. mga banda 3pm nagtaka ako bat nagsipaghinto mga tao sa paglalakad ako lang yung gumagalaw haha... ayun narinig ko sa speaker yung 3 o'clock habit na prayer. Yun pala yun, as in nakakamove lang kasi akalain mo kahit sa mall inoobserved nila un. Amazing talaga! Kasi dito sa GenSan wala eh, pakialam sa mga tao, sa tv oo at radyo  lalo na sa abs cbn naririnig ko ung 3 oclock prayer. At pagnarinig ko yun dun lang ako nagpapray. Pero nung nasa Cebu ako, hindi lang sa mga malls pati din sa mga fm and am station maririnig mo ung 3 oclock prayer saka Angelus. 

At isa din sa di ko malimutan dun yung crowd sa mga simbahan. As in mapapaWOW ka talaga, nakakalula sa dami ng nagsisimba, lalo na dun sa sikat na Basilica del Sto. Nino,siksikan talaga mga tao, every hour yung mass dun sa morning til 12nn, tapos sa hapon magstart mga 2pm something at dun na sa labas ng vicinity yung mass, Dun ko rin naexperience yung high mass na tinatawag yung may usok usok  (incenso) saka first time ko talaga umiyak sa isang mass.Naiiyak ako at nagsisitayuan mga balahibo ko lalo na ung magmamartsa na ung mga sakristan at pari ,reader galing sa likod papuntang altar.. ang tagal bago sila makarating sa altar.. hehe kasi dito sa amin ano ang bilis nila maglakad, sila hindi eh, napakasolemn talaga ng mass... tapos yung choir nila dun.. wow awesome! nakakaiyak ang mga boses ha feel na feel mo talaga kumanta. Nakakatuwa nga kami ni kins isa sa mga bff ko, iba din minsan trip namin, siya gusto maupo malapit sa mga choir ako naman gusto ko sa pinakaharap na upuan sa harap malapit sa altar..para malanghap ko ung usok ^_^. 

May isang pari nga dun na crush ko, haha.. kaloka ang gwapo kasi, kamukha niya si Mark Fernandez.. Unang kita namin sa kanya nakasibilyan lang siya malapit sa amin kung nasa second row kami siya nasa first row ng upuan Mapansin mo talaga kasi ang tangkad at ang puti...tapos napaka neat magdamit. Kaya ayun out of focus talaga ako during sa mass na yun haha kasi nasa kanya atensyon ko. Then one time nung nagsimba kami ulet, nagulat nalang kami na nasa altar siya nakadress ng pari... ayun out of focus ulet sino ba naman ang hindi. Pero magaling siya maghumili..mmmm  basta magaling ^_^.  

Ayun..ang Cebu, so far for two years na pagstay ko dun di niya ako pinabayaan, kahit ilang beses na ako nawawala, nakakauwi at nakakauwi pa rin ako. Thankful lang din ako kasi walang ngyari masama sa akin dun, kahit madalas ako palakad lakad sa colon, sa carbon, sa jones, jakosalem..t.padilla.. labangon...v. gullas... osmena..mandaue, ouano..lapulapu etc. =))  

Isa din sa namimiss ko dun is yung "puso" "utan" at saka ung "chorizo na bilog". Yung puso na tinatawag nila ay kanin na nasa loob ng dahon ng niyog na hinabi na korteng puso. Mura lang yun 2.00 pesos lang busog ka na..tapos ung chorizo na bilog 5.00 dalawang piraso na. Hindi abot ng 10pesos busog ka na hehe... Tapos ung "utan" naman gulay siya na maraming sabaw na may dahon na malunggay at isda, tapos may kalabasa. Nakakatuwa yung kalabasa nila di nila binabalatan..pwede pala yun hehe.  

Dun natutunan ko talaga magtipid, kung pwede lang lakarin nilalakad ko. Masaya ang buhay dun, ang simple lang din di naman masyado magastos..depende naman yan sayo kung pano ka magtipid. Yun nga lang madalas ako nagkakasakit dahil sa pollution, naninibago ako sa hangin,. di gaya dito sa GenSan di pa masyado crowded ang mga sasakyan saka di polluted ang hangin. 

How i wish makabalik ako ulet sa first love ko ^_^ ... totoo taga dun first love ko haha.. si RC.  

All iz Well.

"All iz well .. all iz well... all iz well..."  ang tatlong words na to una ko narinig sa isang movie na kung saan isa sa mga character dun madalas niya sinasabi pag nasa isang situation na tinetest yung patience niya. Parang chant lang na pangpakalma para wag kaagad uminit ulo mo, parang as simple as inhale exhale...  

Ako sa totoo lang madali lang talaga uminit ulo ko, lalo na pag wala ako sa mood. Kahapon may isang pangyayari na talagang grr.. nakakainit talaga ng ulo. Buti nalang napakalma ko sarili ko sa pamagitan ng tatlong words na yan... siguro mga more than 50x times lagi ko sinasabi paulet ulet... all is well ..all is well.. all is well....  para lang akong ewan. .. pero ayun effective naman kasi after half an hour nakapagdetached din ako... di nalang ako nagreply para wala na issue. Ignore nalang as if  walang ngyari.

Minsan maganda din makapagdetach ang pakikinig ng music. Isa din sa mga paraan ko para pampalipas ng sama ng loob or kung naiistress ako. Kung subra na talaga ung pain kay Bro na ako tumatakbo. Sa totoo lang hindi ako yung tipong tao na open sa lahat ng bagay, lalo na pagdating sa problema, kahit sa family ko di ako madalas nag oopen up. Madalas ako nag oopen up kay Bro, or kung minsan dinadaan ko sa sulat. Sa journal ko dati..nakailang notes na nga ako, ngayon hightech na dito na kay M ko na sinusulat.

Paraparaan lang naman sa pagdedetach kumbaga dami paraan sa pagpatay ng pusa (kawawang pusa) not literally naman chooz lang hehe.. Ang mahalaga lam mo pano kumontrol, lumugar at mmm...magpakawaley? Kung hindi ka marunong kumontrol lalo na sa emotion may mga bagay minsan na nagagawa natin na hindi natin nalalaman na nakakasakit na pala sa iba, hindi na pala maganda. Minsan huli mo na marealize mo na may nasisira ka na pala dahil lang sa pagpapabaya mo ng sarili mong emotion. Hayy totoo talaga..kung saan pinutol na saka ka magigising.  (pinutol? mmm.... base lang sa naexperience ko :D )  Ang sakit kung sayo din mismo ginawa,ang ginagawa mo..  nakakaguho ng mundo. Tama lang talaga yung kasabihan na "Wag mo gawin sa iba, kung ano yung ayaw mo rin maexperience" 

Kaya ming.. wag mo na ulitin.. promise ko naman na di na mauulit.. as if mauulit pa. Parang wala na nga uulitin kasi wala na atang babalikan.. hahayy ano ba tong pinagsasabi ko... 

A-L-L- i-z- W-E-L-L!!!  for the nth times!!!!  =)

Sa Likod ng Pader.

Eto na pinakamatagal na tampuhan na ngyari sa amin. Kinaya ko di makipagusap sa mga kaibigan ko halos lampas isang buwan din na tinuring ko ng mga kapatid. Sa buong taon ng pagkakakilala namin, sa buong taon na paguusap virtually inaamin ko naging malapit na ako sa kanila at napamahal na rin..kumbaga halos nasa system ko na sila. Di makukumpleto araw ko pag hindi ko sila nakakausap. Di ko lam kung bakit, kung ano meron sa kanila basta masaya ako pagnakakausap ko na sila, pero pag hindi naman parang ewan lang..para silang battery ko pag wala sila di ako makagalaw haha..ewan lang. basta. Sila lang naman nagpapasigla ng araw ko. At sila din minsan dahilan bat ako nalulungkot.  

Sa kunting panahon ng pagkakakilala namin ang laki ng impact nila ginawa sa life ko. Kung ano yun? hmmm sekret ko nalang :D ... 

Sa halos isang buwan na pananahimik, walang araw at gabi na hindi ko sila naiisip. Pakiramdam ko parang nawalan ako isang mahalagang bagay..pero di sila bagay tao sila ha :D  ...mmm.. ayun ang hirap i overcome.. mas subra pa sa naramdaman ko nung unang broken heart ko..hahay  Bat kaya ganun? nakakainis lang kasi malungkot ka na nga tapos halos mga songs na naririnig mo puro pang sawi... ayan tuloy lagi akong emow...pero pinapakinggan ko pa rin adik lang... mas mahirapan ka daw kasi pag di mo harapin ang sakit na naramdaman mo..the more mo iniiwasan the more din na tinutukso ka ng pagkakataon na iparamdam sau ang sakit...kaya harapin mo nalang, mas mabilis pa ang healing. Ang daling sabihin pero ang hirap gawin... 

Malaman mo raw na nakapagmove on ka na pag once na nakakapagopen up ka na sa iba at willing kang pagusapan ang kakacause sau ng pain na hindi na nasasaktan. Move on na nga siguro ako.. kasi di na ako masyado tulala  ^_^   ..

After ako humingi ng sorry sa kanila dun na ako parang nabunutan ng sibat..medyo nagkaliwanag ng kunti ang dating madilim na mundo ko hehe char lang... basta ayun. Gumaan na pakiramdam ko after nun...  Thanks God kasi di Niya pinairal pride ko.. instead binigyan Niya ako ng lakas ng loob na gawin un ..kung tutuusin naman talaga ako naman dapat una humingi ng paumanhin dahil ako dahilan ng lahat kung bakit ngyayari sa amin to. Hirap na iundo ang mga pagkakamali nagawa ko, ngyari na ngyari.. at ang laki ng damage na ginawa ko. Ngayon im still hoping na kung hindi man maibalik ung dati sana mawala na ung sama ng loob nila sa akin.

 Well, ganun talaga si life di maiiwasan ang mga twist..kung sa inaakala mo ng perfect hindi pa pala. Dapat lagi kang handa sa mga changes..para hindi ka malunod. Kahit nakaabot na ako sa ganitong edad di pa rin ako handa.. kasi nasusurprise pa rin ako to the point na nagiging feeling miserable ako pagnatatamaan ako ng changes. hayy kailan pa kaya ako matututo..? Ayaw ko matuto sa totoo lang kasi ayoko dumating ako sa point na maging manhid na ako...hehe hala sige ming ipagpatuloy mo lang na lagi ka nalang nasasaktan. 

Sa ngayon, medyo na break na din ung wall, last time nagkausap din kami pero di maiwasan na mailang pa rin ako, hayy dami ko gusto sabihin pero ni isang word wala ako matype. Nung nakareceive ako ng offline message dun ko ulet naramdaman si happiness ung totoong happiness talaga.. parang gusto ko magjumped sa tuwa. :D hehe ang babaw ko lang talaga...di ko maipaliwanag ang feeling na un..basta ..   ^_^

Mmm..yun lang, God bless their souls.. sana maibalik pa sa dati.......

Sa Likod ng Paglalaboy.

For this month of April 2011, dami ko mga bagay na narealize at napatunayan ko na napakaunfair ni life sa akin. Unfair kaya nasabi ko kasi may mga bagay na gusto mo mangyari ay di ngyayari. Mas mabuti pa sa panaginip ngyayari mga bagay na gusto mo, walang imposible, walang bounderies, walang mga condition at walang limitation..lahat magagawa mo. 

Kailan kaya magkakatotoo ang mga panaginip? Nung maliit ako yan lagi ko tinatanong.. kahit hanggang ngayon. 

May nabasa akong post sa facebook hindi ka magiging successful kung hindi ka magtatake ng risk. Napatigil ako saglit after ko nabasa yun.

Sa buong buhay ko, takot ako magtake ng risk.. kasi natatakot akong mafailed. although may mga times na nagtatake ako ng risk kung wala na talagang option. Kaya siguro hindi ako successful sa maraming bagay, nauunahan agad kasi ako ng fear.

Recently, nagtake ako ng risk na puntahan ang isang lugar na never ko pa napuntahan. Baon ko ang isang napakalaking "Expectation" at "Mabigat ang loob". 

Hindi naging madali sa akin ang pagpunta dun, sangkatutak na sermon, paalala at masasakit na word natanggap ko..but in the end nagpatuloy pa rin ako. Early in the morning umalis ako ng bahay na walang tulog,  di ko na nagawang magpapaalam kay mama,.. umalis ako na mabigat ang loob. Para akong lumulutang habang nasa biyahe..ganun pala pakiramdam pagmagulang mo katampuhan mo, di mo naaappreciate mga magagandang bagay na nakikita mo sa paligid. Kahit anong pilit mong pangdedeny natatalo at natatalo ka pa rin ng realidad..hayy. di mo talaga maeenjoy.Siguro kung sa ibang tao, kaya nila gawin un,. pero ako hindi.  Kaya minsan natatahimik ka nalng at ang isip mo lutang..  
Mahirap kasi magenjoy na may inaalala, kahit na alam mo na minsan lang ngyayari ang ganung bagay. Tapos pagpunta mo dun, ung mga bagay na gusto mo mangyari di ngyayari. ang layo sa inaasahan mo.Although may  masayang part kasi finally nagkita kayo at napuntahan mo ung lugar na yun. 
Kaya lang sa paguwi ko iba naging epekto sa akin para akong natrauma..puno ng pagsisisi.. may isang eksena na lagi nagpapaalala sa akin na sa tuwing naalala ko..naiinis ako. nakakaself pity. hanggang ngayon di pa rin ako makamove on.. siguro it takes time.. di ako tulad ng iba na agad nakakamove on.. 
Lam ko dissappointed din sila sa akin.. kaya pinili ko nalang muna manahimik. 

Kung hindi ka out..hindi ka in. Ganun ba talaga? kung hindi ka marunong makisabayan maiiwanan at maiiwanan ka. Di ka papansinin hanggang sa maramdaman mo nalng na hindi ka belong. Nasasad ako dahil akala ko sa mga movies ko lang napapanood un..pero di pala ang sakit pag ikaw mismo nakakaranas. Hindi naman bago sa akin toh..pero eto pinakamajor na talagang dinamdam ko..kasi nga sa laki ng expectation mo tapos blagg! ...  

Mas gugustuhin ko pa masaktan dahil sa pagbubugbog or paggugulpi...kaysa nasasaktan ako ng ganito emotionally. 

Final word.. ill be off to somewhere... na kung saan tahimik.. bubuoin ko ulet sarili ko. Inaasahan ko na wala na ako babalikan.. Ganun naman talaga..people are come and go .. but i will keep their footprints.. na once in my life may na meet akong tao na minahal ko, iniyakan ko at pinasaya ako. =(

Alaala ng Bata.

Nakakamiss ang buhay ng pagiging bata..promise namimiss ko talaga. Ang dami ko pala napagdaanan nung kabataan ko haha. Now ko lang  narealize na ang delikado pala talaga mga pinag gagawa namin noon ng mga kababata ko. Imagine naglalaro kami sa loob ng bodega ng galingan ng mais, naghahabulan kami at nagsusuot sa mga naglalakihang makina at dumadaan sa mga naglalakihang korea. Tapos inaakyat namin ung kamada ng mais dun kami minsan sa taas tumatambay. haha kaloka elementary ako ata noon. Tapos kung minsan naman, since yung tatay ko driver ng truck dun kami sa taas ng truck na may sako sakong mais.. haha joyride. Hinahayaan lang naman kami ni tatay since may kasama din kami mga kuya. Ang sarap ng feeling pag nasa taas ka ng truck mahangin para kalang lumipad saka tanaw mo lahat na madadaanan. Buti di pa uso noon mga blue boys (MMDA kung sa manila) kaya di pa hinuhuli. 

Haayy, nakakamiss talaga.. ang madalas namin nilalaro noon is yung larong "
"Bagoongay" na kung saan may dalawang team. Each team may bahay na binabantayan, ang bahay na yun either malaking bato or niyog na hiniwa or lata. Dapat bantayan un ng bongga para di matalo. Ayun maghahabolan kayo, pagnahuli ka magiging bihag ka ng kabilang team. The more na marami kayo mabihag the better kasi malaki chance niyo na makuha ung bahay haha..ang saya ng laro na yun ako lagi naiiwan sa bahay taga bantay ako parang goal keeper lang. 

Then isa sa mga pinakasikat at walang kupas na hanggang ngayon nilalaro pa rin ng mga bata is yung "Taguanay" (Tagu-taguan). "pagbilang ko sampo nakatago na kayo.. one..two..n ..nn..ten!  bong %&%!  haha lam ko pala ung song. Kahit gabi noon naglalaro kami, tapos magtatakutan. Sa totoo lang kahit nasa college na kami noon naglalaro pa rin kami ng mga kapatid ko ng taguanay haha kaming apat lang naman sa loob ng bahay lalo na pag brown out. Ako madalas nagtatago sa trust ng bahay dun ako naglalambitin haha nakakatawa..para akong monkey nakapatong sa trust. Si kuya madalas sa loob ng aparador, yung sister ko mmm di ko lam san nagtatago , yung litol bro ko nagsusuot sa ilalim ng kama haha. Basta ang saya namin pag brown out na kasi yun talaga ginagawa namin.

Isa din sa pinakamiss ko ang badminton saka basketball... ako at si litol bro partner kami niyan, tapos yung sister ko at si bigbro. Sa badminton lagi kami talo ang galing ng dalawang yun si bigbro ang lakas ng smash tapos ung sis ko ang galing ng backhand..pero weak sila sa hulog hulog system haha dun lang kami minsan nakakascore. Pero pagdating sa basketball wala sila haha galing ni litol bro pagdating sa laro na to,.. Ayun masaya pag kami apat magkalaro, sila nanay and tatay minsan mga cheerer namin hehe. Nagkakapikonan? hmmm uu di naman maiiwasan yun, ang pinakaayaw ko sa lahat na tawagin ka ng "borot isda" haha talo ka na nga tapos sisigawan ka pa ng ganun. Pero never pa kami talaga nag away ng bonggang bongga dahil lang sa laro. 

At isa sa di ko makakalimutan noon yung paglalaro namin sa bodega na muntikan ng ikamatay ng sister ko,.. naglalaro kami ng habulan sa mga kamada ng mais saka sorgom noon. Nang biglang nahulog yung sis ko at nadaganan ng sakong mais at sorgom. Laking takot ko ng mga oras na yun, at di ko akalain sa ganung kapayat ko ng panahon na yun nakaya kong buhatin yung sako  parang nagkaroon ako ng extra strength...mga more or less 40 kilos lang naman. Ayun after ngyari yun di na kami madalas naglalaro sa kamada... 

Akalain mo yun inakyat ko pala poste ng kuryente dahil lang sa itlog ng ibon haha, elementary ako noon.Pasaway talaga.. si lola muntik ng atakihin sa puso dahil sa ginawa ko. Napalo lang naman ako after ko ginawa yun hihi taket taket..^_^.

Hindi pala boring ang kabataan ko haha it's full of adventure puro pasaway nga  lang.. Malaking kaibahan sa mga bata ngayon..wala na masyado tumatakbo lalo na paghapon..kami noon umaga, tanghali hapon kung wala ang parents ayun takbuhan laro dito laro doon hehe. Ngayon halos 8 hours babad sa computer..ang iba sa tv.... 

Masarap maging bata talaga.... freedooooom! lam mo yung wala ka paki sa paligid mo ang worry mo lang ang matulog sa tanghali, ubusin ang pagkain at inumin ang gatas haha.. tapos ang maligo kahit malamig dahil kailangan... walang pressure..walang stress.... =)