Monday, June 6, 2011

Sa Likod ng Pader.

Eto na pinakamatagal na tampuhan na ngyari sa amin. Kinaya ko di makipagusap sa mga kaibigan ko halos lampas isang buwan din na tinuring ko ng mga kapatid. Sa buong taon ng pagkakakilala namin, sa buong taon na paguusap virtually inaamin ko naging malapit na ako sa kanila at napamahal na rin..kumbaga halos nasa system ko na sila. Di makukumpleto araw ko pag hindi ko sila nakakausap. Di ko lam kung bakit, kung ano meron sa kanila basta masaya ako pagnakakausap ko na sila, pero pag hindi naman parang ewan lang..para silang battery ko pag wala sila di ako makagalaw haha..ewan lang. basta. Sila lang naman nagpapasigla ng araw ko. At sila din minsan dahilan bat ako nalulungkot.  

Sa kunting panahon ng pagkakakilala namin ang laki ng impact nila ginawa sa life ko. Kung ano yun? hmmm sekret ko nalang :D ... 

Sa halos isang buwan na pananahimik, walang araw at gabi na hindi ko sila naiisip. Pakiramdam ko parang nawalan ako isang mahalagang bagay..pero di sila bagay tao sila ha :D  ...mmm.. ayun ang hirap i overcome.. mas subra pa sa naramdaman ko nung unang broken heart ko..hahay  Bat kaya ganun? nakakainis lang kasi malungkot ka na nga tapos halos mga songs na naririnig mo puro pang sawi... ayan tuloy lagi akong emow...pero pinapakinggan ko pa rin adik lang... mas mahirapan ka daw kasi pag di mo harapin ang sakit na naramdaman mo..the more mo iniiwasan the more din na tinutukso ka ng pagkakataon na iparamdam sau ang sakit...kaya harapin mo nalang, mas mabilis pa ang healing. Ang daling sabihin pero ang hirap gawin... 

Malaman mo raw na nakapagmove on ka na pag once na nakakapagopen up ka na sa iba at willing kang pagusapan ang kakacause sau ng pain na hindi na nasasaktan. Move on na nga siguro ako.. kasi di na ako masyado tulala  ^_^   ..

After ako humingi ng sorry sa kanila dun na ako parang nabunutan ng sibat..medyo nagkaliwanag ng kunti ang dating madilim na mundo ko hehe char lang... basta ayun. Gumaan na pakiramdam ko after nun...  Thanks God kasi di Niya pinairal pride ko.. instead binigyan Niya ako ng lakas ng loob na gawin un ..kung tutuusin naman talaga ako naman dapat una humingi ng paumanhin dahil ako dahilan ng lahat kung bakit ngyayari sa amin to. Hirap na iundo ang mga pagkakamali nagawa ko, ngyari na ngyari.. at ang laki ng damage na ginawa ko. Ngayon im still hoping na kung hindi man maibalik ung dati sana mawala na ung sama ng loob nila sa akin.

 Well, ganun talaga si life di maiiwasan ang mga twist..kung sa inaakala mo ng perfect hindi pa pala. Dapat lagi kang handa sa mga changes..para hindi ka malunod. Kahit nakaabot na ako sa ganitong edad di pa rin ako handa.. kasi nasusurprise pa rin ako to the point na nagiging feeling miserable ako pagnatatamaan ako ng changes. hayy kailan pa kaya ako matututo..? Ayaw ko matuto sa totoo lang kasi ayoko dumating ako sa point na maging manhid na ako...hehe hala sige ming ipagpatuloy mo lang na lagi ka nalang nasasaktan. 

Sa ngayon, medyo na break na din ung wall, last time nagkausap din kami pero di maiwasan na mailang pa rin ako, hayy dami ko gusto sabihin pero ni isang word wala ako matype. Nung nakareceive ako ng offline message dun ko ulet naramdaman si happiness ung totoong happiness talaga.. parang gusto ko magjumped sa tuwa. :D hehe ang babaw ko lang talaga...di ko maipaliwanag ang feeling na un..basta ..   ^_^

Mmm..yun lang, God bless their souls.. sana maibalik pa sa dati.......

No comments:

Post a Comment