"All iz well .. all iz well... all iz well..." ang tatlong words na to una ko narinig sa isang movie na kung saan isa sa mga character dun madalas niya sinasabi pag nasa isang situation na tinetest yung patience niya. Parang chant lang na pangpakalma para wag kaagad uminit ulo mo, parang as simple as inhale exhale...
Ako sa totoo lang madali lang talaga uminit ulo ko, lalo na pag wala ako sa mood. Kahapon may isang pangyayari na talagang grr.. nakakainit talaga ng ulo. Buti nalang napakalma ko sarili ko sa pamagitan ng tatlong words na yan... siguro mga more than 50x times lagi ko sinasabi paulet ulet... all is well ..all is well.. all is well.... para lang akong ewan. .. pero ayun effective naman kasi after half an hour nakapagdetached din ako... di nalang ako nagreply para wala na issue. Ignore nalang as if walang ngyari.
Minsan maganda din makapagdetach ang pakikinig ng music. Isa din sa mga paraan ko para pampalipas ng sama ng loob or kung naiistress ako. Kung subra na talaga ung pain kay Bro na ako tumatakbo. Sa totoo lang hindi ako yung tipong tao na open sa lahat ng bagay, lalo na pagdating sa problema, kahit sa family ko di ako madalas nag oopen up. Madalas ako nag oopen up kay Bro, or kung minsan dinadaan ko sa sulat. Sa journal ko dati..nakailang notes na nga ako, ngayon hightech na dito na kay M ko na sinusulat.
Paraparaan lang naman sa pagdedetach kumbaga dami paraan sa pagpatay ng pusa (kawawang pusa) not literally naman chooz lang hehe.. Ang mahalaga lam mo pano kumontrol, lumugar at mmm...magpakawaley? Kung hindi ka marunong kumontrol lalo na sa emotion may mga bagay minsan na nagagawa natin na hindi natin nalalaman na nakakasakit na pala sa iba, hindi na pala maganda. Minsan huli mo na marealize mo na may nasisira ka na pala dahil lang sa pagpapabaya mo ng sarili mong emotion. Hayy totoo talaga..kung saan pinutol na saka ka magigising. (pinutol? mmm.... base lang sa naexperience ko :D ) Ang sakit kung sayo din mismo ginawa,ang ginagawa mo.. nakakaguho ng mundo. Tama lang talaga yung kasabihan na "Wag mo gawin sa iba, kung ano yung ayaw mo rin maexperience"
Kaya ming.. wag mo na ulitin.. promise ko naman na di na mauulit.. as if mauulit pa. Parang wala na nga uulitin kasi wala na atang babalikan.. hahayy ano ba tong pinagsasabi ko...
A-L-L- i-z- W-E-L-L!!! for the nth times!!!! =)
No comments:
Post a Comment