For this month of April 2011, dami ko mga bagay na narealize at napatunayan ko na napakaunfair ni life sa akin. Unfair kaya nasabi ko kasi may mga bagay na gusto mo mangyari ay di ngyayari. Mas mabuti pa sa panaginip ngyayari mga bagay na gusto mo, walang imposible, walang bounderies, walang mga condition at walang limitation..lahat magagawa mo.
Kailan kaya magkakatotoo ang mga panaginip? Nung maliit ako yan lagi ko tinatanong.. kahit hanggang ngayon.
May nabasa akong post sa facebook hindi ka magiging successful kung hindi ka magtatake ng risk. Napatigil ako saglit after ko nabasa yun.
Sa buong buhay ko, takot ako magtake ng risk.. kasi natatakot akong mafailed. although may mga times na nagtatake ako ng risk kung wala na talagang option. Kaya siguro hindi ako successful sa maraming bagay, nauunahan agad kasi ako ng fear.
Recently, nagtake ako ng risk na puntahan ang isang lugar na never ko pa napuntahan. Baon ko ang isang napakalaking "Expectation" at "Mabigat ang loob".
Hindi naging madali sa akin ang pagpunta dun, sangkatutak na sermon, paalala at masasakit na word natanggap ko..but in the end nagpatuloy pa rin ako. Early in the morning umalis ako ng bahay na walang tulog, di ko na nagawang magpapaalam kay mama,.. umalis ako na mabigat ang loob. Para akong lumulutang habang nasa biyahe..ganun pala pakiramdam pagmagulang mo katampuhan mo, di mo naaappreciate mga magagandang bagay na nakikita mo sa paligid. Kahit anong pilit mong pangdedeny natatalo at natatalo ka pa rin ng realidad..hayy. di mo talaga maeenjoy.Siguro kung sa ibang tao, kaya nila gawin un,. pero ako hindi. Kaya minsan natatahimik ka nalng at ang isip mo lutang..
Mahirap kasi magenjoy na may inaalala, kahit na alam mo na minsan lang ngyayari ang ganung bagay. Tapos pagpunta mo dun, ung mga bagay na gusto mo mangyari di ngyayari. ang layo sa inaasahan mo.Although may masayang part kasi finally nagkita kayo at napuntahan mo ung lugar na yun.
Kaya lang sa paguwi ko iba naging epekto sa akin para akong natrauma..puno ng pagsisisi.. may isang eksena na lagi nagpapaalala sa akin na sa tuwing naalala ko..naiinis ako. nakakaself pity. hanggang ngayon di pa rin ako makamove on.. siguro it takes time.. di ako tulad ng iba na agad nakakamove on..
Lam ko dissappointed din sila sa akin.. kaya pinili ko nalang muna manahimik.
Kung hindi ka out..hindi ka in. Ganun ba talaga? kung hindi ka marunong makisabayan maiiwanan at maiiwanan ka. Di ka papansinin hanggang sa maramdaman mo nalng na hindi ka belong. Nasasad ako dahil akala ko sa mga movies ko lang napapanood un..pero di pala ang sakit pag ikaw mismo nakakaranas. Hindi naman bago sa akin toh..pero eto pinakamajor na talagang dinamdam ko..kasi nga sa laki ng expectation mo tapos blagg! ...
Mas gugustuhin ko pa masaktan dahil sa pagbubugbog or paggugulpi...kaysa nasasaktan ako ng ganito emotionally.
Final word.. ill be off to somewhere... na kung saan tahimik.. bubuoin ko ulet sarili ko. Inaasahan ko na wala na ako babalikan.. Ganun naman talaga..people are come and go .. but i will keep their footprints.. na once in my life may na meet akong tao na minahal ko, iniyakan ko at pinasaya ako. =(
No comments:
Post a Comment