Tuesday, June 7, 2011

Hupong

Hupong is a bisaya word na ibig sabihin sa tagalog "hubag" hmm....yung bang pamamaga. Kung sa english "swell" sa italyano "gonfiore" kung sa greek "πρήξιμο" haha awat na nga nalibang ako sa google translate..hihi adik lang.

Anyway, going back! bakit topic ko nga ba ang hupong? bakit ba? hmmm.. may idea ka? haha ewan ko sayo ming ang gulo mo! ayan tuloy nawala ako...wait nakalimutan ko mga sasabihin ko. BRB wew!.

... ......... . .... ...

Ayun! Back! haha feeling nasa site lang ah. Naalala ko na sa wakas. 

Kasi ganito yun..... ..

From out of the blue bigla ko naalala si lola ung mga pinagkukwento niya nung malapit na siya mamatay. Yun na ata ang huling kwentuhan namin dalawa, one time kasi noong dumalaw kami sa kanya, napansin ko ung sa may banda sakong niya na namamaga. Tinanong ko siya kung bakit namaga, kung masakit ba. And yun sinabi niya na yun na daw ang mga sign na malapit ka na mamatay, at pag once na ung hupong nahuyos (di ko lam sa tagalog ung huyos haha... basta ung pamamaga di na maga)  oras mo na daw. Nanghina ako ng marinig ko yun sa kanya, sino ba naman ang matutuwa, naghalo ang takot at pangamba.. Tiningnan ko mga mata ni lola sa mga oras na yun..mukhang seryoso talaga siya sa mga sinasabi niya. Simula nun lagi ko minomonitor yung hupong ni lola...hanggang sa inatake siya one night tinawagan lang kami sa bahay at dali dali kami pumunta dun sa kanila. Pagdating namin dun kala namin wala na siya,. di na nagsasalita..di na nagrereact... nasa bed lang walang malay... tiningnan ko ung sakong niya nahuyos na di na namamaga, natakot ako sa maaring mangyari sa mga oras na yun.. ang magawa ko lang is magdasal. Panay kausap namin sa kanya, baka sakali marinig niya kami at magkamalay. Mga ilang oras din nagdaan kala namin talaga wala na siya nagsi iyakan na lahat. Nang biglang nagising nalang siya at bumangon, at nagsalita bat daw kami nandun lahat. Ano ba daw meron. Syempre lahat kami nagulat, from lifeless biglang.. wow it's a miracle talaga ngyari... Kaya ayun kinabukasan pinapunta namin si father dun kay lola para makacommunion at mabendisyonan.  Di alam ni lola na pupuntahan siya ng pari, ng makita niya si father bigla daw siya nanigas at inatake ulet. Dinasalan siya ni father then nung nagsign of the cross na si father..bigla niya raw inangat kamay niya tapos ayun ..in a split seconds wala na siya.. haay kaya siguro bumalik si lola that night para sa blessing ni father.  Pero tanggap na namin lahat kung ano mangyari kay lola, complicated na kasi ung sakit niya.  

Kaya ayun, ang hupong ganun din kay uncle namaga din ung ankle niya days before siya namatay..  

Pero sabi nila pagmay malubhang sakit ka kaya nagkakahupong daw..di naman pag once na nahupong na eh yun na hehe... 

Kasi nung college ako lagi may hupong ankle ko dahil sa tapilok, napakaclumsy ko kasi na player kaya ayun.

Magreresearch nga ako sa hupong na to kung may medical explanation nga ba...  meron ba? share naman oh hehe.. 

No comments:

Post a Comment