Monday, June 6, 2011

My Cebu Xp.

Cebu!  Bigla ko namiss ang lugar na to... My one and true love... ^_^. Unang salta ko sa lugar na to.. nafall inlove na kaagad ako. Hindi dahil sa mas ano siya sa GenSan, kundi dahil sa kakaibang ugali ng  mga tao at tradition. Speaking of tradition, nakakaamazed lang yung faith ng mga tao dun, mapahirap mapayaman, matanda, bata...all walks of life. One time una ko paglaboy sa Gaisano Mall isa sa sikat na mall dun sa Cebu.. mga banda 3pm nagtaka ako bat nagsipaghinto mga tao sa paglalakad ako lang yung gumagalaw haha... ayun narinig ko sa speaker yung 3 o'clock habit na prayer. Yun pala yun, as in nakakamove lang kasi akalain mo kahit sa mall inoobserved nila un. Amazing talaga! Kasi dito sa GenSan wala eh, pakialam sa mga tao, sa tv oo at radyo  lalo na sa abs cbn naririnig ko ung 3 oclock prayer. At pagnarinig ko yun dun lang ako nagpapray. Pero nung nasa Cebu ako, hindi lang sa mga malls pati din sa mga fm and am station maririnig mo ung 3 oclock prayer saka Angelus. 

At isa din sa di ko malimutan dun yung crowd sa mga simbahan. As in mapapaWOW ka talaga, nakakalula sa dami ng nagsisimba, lalo na dun sa sikat na Basilica del Sto. Nino,siksikan talaga mga tao, every hour yung mass dun sa morning til 12nn, tapos sa hapon magstart mga 2pm something at dun na sa labas ng vicinity yung mass, Dun ko rin naexperience yung high mass na tinatawag yung may usok usok  (incenso) saka first time ko talaga umiyak sa isang mass.Naiiyak ako at nagsisitayuan mga balahibo ko lalo na ung magmamartsa na ung mga sakristan at pari ,reader galing sa likod papuntang altar.. ang tagal bago sila makarating sa altar.. hehe kasi dito sa amin ano ang bilis nila maglakad, sila hindi eh, napakasolemn talaga ng mass... tapos yung choir nila dun.. wow awesome! nakakaiyak ang mga boses ha feel na feel mo talaga kumanta. Nakakatuwa nga kami ni kins isa sa mga bff ko, iba din minsan trip namin, siya gusto maupo malapit sa mga choir ako naman gusto ko sa pinakaharap na upuan sa harap malapit sa altar..para malanghap ko ung usok ^_^. 

May isang pari nga dun na crush ko, haha.. kaloka ang gwapo kasi, kamukha niya si Mark Fernandez.. Unang kita namin sa kanya nakasibilyan lang siya malapit sa amin kung nasa second row kami siya nasa first row ng upuan Mapansin mo talaga kasi ang tangkad at ang puti...tapos napaka neat magdamit. Kaya ayun out of focus talaga ako during sa mass na yun haha kasi nasa kanya atensyon ko. Then one time nung nagsimba kami ulet, nagulat nalang kami na nasa altar siya nakadress ng pari... ayun out of focus ulet sino ba naman ang hindi. Pero magaling siya maghumili..mmmm  basta magaling ^_^.  

Ayun..ang Cebu, so far for two years na pagstay ko dun di niya ako pinabayaan, kahit ilang beses na ako nawawala, nakakauwi at nakakauwi pa rin ako. Thankful lang din ako kasi walang ngyari masama sa akin dun, kahit madalas ako palakad lakad sa colon, sa carbon, sa jones, jakosalem..t.padilla.. labangon...v. gullas... osmena..mandaue, ouano..lapulapu etc. =))  

Isa din sa namimiss ko dun is yung "puso" "utan" at saka ung "chorizo na bilog". Yung puso na tinatawag nila ay kanin na nasa loob ng dahon ng niyog na hinabi na korteng puso. Mura lang yun 2.00 pesos lang busog ka na..tapos ung chorizo na bilog 5.00 dalawang piraso na. Hindi abot ng 10pesos busog ka na hehe... Tapos ung "utan" naman gulay siya na maraming sabaw na may dahon na malunggay at isda, tapos may kalabasa. Nakakatuwa yung kalabasa nila di nila binabalatan..pwede pala yun hehe.  

Dun natutunan ko talaga magtipid, kung pwede lang lakarin nilalakad ko. Masaya ang buhay dun, ang simple lang din di naman masyado magastos..depende naman yan sayo kung pano ka magtipid. Yun nga lang madalas ako nagkakasakit dahil sa pollution, naninibago ako sa hangin,. di gaya dito sa GenSan di pa masyado crowded ang mga sasakyan saka di polluted ang hangin. 

How i wish makabalik ako ulet sa first love ko ^_^ ... totoo taga dun first love ko haha.. si RC.  

No comments:

Post a Comment