Monday, June 6, 2011

Alaala ng Bata.

Nakakamiss ang buhay ng pagiging bata..promise namimiss ko talaga. Ang dami ko pala napagdaanan nung kabataan ko haha. Now ko lang  narealize na ang delikado pala talaga mga pinag gagawa namin noon ng mga kababata ko. Imagine naglalaro kami sa loob ng bodega ng galingan ng mais, naghahabulan kami at nagsusuot sa mga naglalakihang makina at dumadaan sa mga naglalakihang korea. Tapos inaakyat namin ung kamada ng mais dun kami minsan sa taas tumatambay. haha kaloka elementary ako ata noon. Tapos kung minsan naman, since yung tatay ko driver ng truck dun kami sa taas ng truck na may sako sakong mais.. haha joyride. Hinahayaan lang naman kami ni tatay since may kasama din kami mga kuya. Ang sarap ng feeling pag nasa taas ka ng truck mahangin para kalang lumipad saka tanaw mo lahat na madadaanan. Buti di pa uso noon mga blue boys (MMDA kung sa manila) kaya di pa hinuhuli. 

Haayy, nakakamiss talaga.. ang madalas namin nilalaro noon is yung larong "
"Bagoongay" na kung saan may dalawang team. Each team may bahay na binabantayan, ang bahay na yun either malaking bato or niyog na hiniwa or lata. Dapat bantayan un ng bongga para di matalo. Ayun maghahabolan kayo, pagnahuli ka magiging bihag ka ng kabilang team. The more na marami kayo mabihag the better kasi malaki chance niyo na makuha ung bahay haha..ang saya ng laro na yun ako lagi naiiwan sa bahay taga bantay ako parang goal keeper lang. 

Then isa sa mga pinakasikat at walang kupas na hanggang ngayon nilalaro pa rin ng mga bata is yung "Taguanay" (Tagu-taguan). "pagbilang ko sampo nakatago na kayo.. one..two..n ..nn..ten!  bong %&%!  haha lam ko pala ung song. Kahit gabi noon naglalaro kami, tapos magtatakutan. Sa totoo lang kahit nasa college na kami noon naglalaro pa rin kami ng mga kapatid ko ng taguanay haha kaming apat lang naman sa loob ng bahay lalo na pag brown out. Ako madalas nagtatago sa trust ng bahay dun ako naglalambitin haha nakakatawa..para akong monkey nakapatong sa trust. Si kuya madalas sa loob ng aparador, yung sister ko mmm di ko lam san nagtatago , yung litol bro ko nagsusuot sa ilalim ng kama haha. Basta ang saya namin pag brown out na kasi yun talaga ginagawa namin.

Isa din sa pinakamiss ko ang badminton saka basketball... ako at si litol bro partner kami niyan, tapos yung sister ko at si bigbro. Sa badminton lagi kami talo ang galing ng dalawang yun si bigbro ang lakas ng smash tapos ung sis ko ang galing ng backhand..pero weak sila sa hulog hulog system haha dun lang kami minsan nakakascore. Pero pagdating sa basketball wala sila haha galing ni litol bro pagdating sa laro na to,.. Ayun masaya pag kami apat magkalaro, sila nanay and tatay minsan mga cheerer namin hehe. Nagkakapikonan? hmmm uu di naman maiiwasan yun, ang pinakaayaw ko sa lahat na tawagin ka ng "borot isda" haha talo ka na nga tapos sisigawan ka pa ng ganun. Pero never pa kami talaga nag away ng bonggang bongga dahil lang sa laro. 

At isa sa di ko makakalimutan noon yung paglalaro namin sa bodega na muntikan ng ikamatay ng sister ko,.. naglalaro kami ng habulan sa mga kamada ng mais saka sorgom noon. Nang biglang nahulog yung sis ko at nadaganan ng sakong mais at sorgom. Laking takot ko ng mga oras na yun, at di ko akalain sa ganung kapayat ko ng panahon na yun nakaya kong buhatin yung sako  parang nagkaroon ako ng extra strength...mga more or less 40 kilos lang naman. Ayun after ngyari yun di na kami madalas naglalaro sa kamada... 

Akalain mo yun inakyat ko pala poste ng kuryente dahil lang sa itlog ng ibon haha, elementary ako noon.Pasaway talaga.. si lola muntik ng atakihin sa puso dahil sa ginawa ko. Napalo lang naman ako after ko ginawa yun hihi taket taket..^_^.

Hindi pala boring ang kabataan ko haha it's full of adventure puro pasaway nga  lang.. Malaking kaibahan sa mga bata ngayon..wala na masyado tumatakbo lalo na paghapon..kami noon umaga, tanghali hapon kung wala ang parents ayun takbuhan laro dito laro doon hehe. Ngayon halos 8 hours babad sa computer..ang iba sa tv.... 

Masarap maging bata talaga.... freedooooom! lam mo yung wala ka paki sa paligid mo ang worry mo lang ang matulog sa tanghali, ubusin ang pagkain at inumin ang gatas haha.. tapos ang maligo kahit malamig dahil kailangan... walang pressure..walang stress.... =)

No comments:

Post a Comment